Nakaka-touch lang yung mga taong kahit hindi mo sila i-remind na birthday mo, babatiin ka nila. Nakaka-touch din yung mga naghihintay ng 12AM para sila yung maunang bumati sayo. Pero mas nakaka-touch yung kahit hindi mo iniimbita, biglang pupunta, LOL. So thank you naman ng bonggang bongga kay Janjan. Hindi ko alam kung ilang lunch na naman ang sinakripisyo mo mabili lang si *insert name of bear here* :D

Oo nga pala, na-retweet ko na ang mga tweets na scripted! Hahaha. Last month pa kasi ako nagpapansin sa mga celebrity na ‘to, at salamat naman sa tugon. :)) The way na binati ka ni Bianca Gonzales, Chito Miranda, Aldred Gatchalian, Yael Yuzon at Slater Young, MASAYA!! :)
Pero the way na hindi ka pa binabati ng closest friends mo, lalo na yung tropang mahal na mahal mo, medyo sad lang. >.< Sana hindi nila nakalimutan kung anong meron sa araw n ‘to. :’(
WELL MASAYA DIN NAMAN AKO SA MGA NAKAALALA SAKIN. THANK YOUUU! Sa mga bumati thru phone, Twitter and Facebook. Thank you ng sobra! :) And of course thank you Lord for 19 years of existence! <3








